Malaking tulong sa relaxation

Naimbitahan ako kamakailan sa pagpapasinaya ng SPA Concept. Ano ba itong SPA Concept? Ito ay isang makabagong beauty salon-massage-barber shop na nasa third floor ng Traders Hotel Manila, 3001 Roxas Blvd., Pasay City.

Kakaiba ang SPA Concept. Ayon kay Ms. Yoly Ortega, director ng SPA, mayroon silang service salon para sa babae at lalaki. Mayroon din silang dry steam sauna, jacuzzi at aromatherapy. Sa panahong ito na ang mga tao ay abala at pagod sa trabaho lalo na sa mga nag-oopisina, malaking tulong sa kanilang relaxation ang SPA Concept. Ang konsepto ng SPA ay nagsimula pa noong 1976 ng dalhin dito ni Ambassador Roberto S. Benedicto ang traditional shiatsu massage. Sa bagong milenyo ang naturang massage ay taglay pa rin kasanib na ang makabagong pamamaraan sa pagmamasahe gaya ng Japanese oil massage, body scrub at fusion massage.

Inilibot kami nina Yoly, Kitchie Benedicto at Lu Arieta sa kabuuan ng SPA Concept at humanga ako sa amenities na sasabihing world class. Sina Yoly ay nag-aral, nagsanay at nagmasid ng mga makabagong technique sa Japan, Amerika at iba pang bansa. Katulong ni Yoly sa pamamalakad ng SPA Concept si Pia anak ni Kitchie. Si Pia ang kanilang beauty and make-up consultant.

Nakasama ko sa pagpapasinaya ng SPA Concept, si megastar Sharon Cuneta, Olongapo City Mayor Kathy Gordon, Sen. Tito Sotto at marami pang kilalang tao sa lipunan. Si Edu Manzano ang naging emcee sa programa.

Show comments