Mang Pinong, ano ba ang mayroon sa inyong bahay at marami yatang umaaligid na langgam? tanong ko. Alam kong walang anak na dalaga si Mang Pinong.
May asukal kasi sa amin, Doktor," sagot na matalinghaga ni Mang Pinong.
Ipaliwanag mo nga.
Ang pamangkin kong dalaga ay nagbabakasyon sa amin. Nag-aaral siya sa Maynila. Kahit maliit ang aming bahay ay gustung-gusto niyang magbakasyon sa amin. Mabait ang pamangkin ko, Doktor."
Sa inyong palagay, ano ang mabait na kabataan?
Itong pamangkin ko ay mataas na ang naabot sa pag-aaral. Malapit na siyang maging abogada. Pero sa kabila niyan, hindi pa rin siya nakalilimot bumisita sa amin. Ibig sabihin hindi siya nagbabago.
Mukha yatang may problema, sabi ko sa sarili. Si Mang Pinong at ako ay magkabalikat sa maraming gawain at proyekto sa kanayunan. Ang tema namin ay mga pagbabago at kabihasnan.
Una siyang nagtanim ng bagong uri ng palay, mais, at sitaw. Ngunit sa larangan ng ugali ng kanyang pamangkin, ang gusto niyay huwag itong magbago. Ibig sabihin, panatilihin ang mga nakagisnang ugali. May katwiran si Mang Pinong. Tama siya.