Demoralisado na raw ang mga alagad ng batas dahil sa pagbubunyag ni Mary Ong, alias "Rosebud" na ang Camp Crame ay "sentro ng industriya ng ilegal na droga."
At demoralisado na rin ang militar dahil naman sa sinasabing sabwatan ng mga kawal ng pamahalaan sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Ang dalawang usapin ay parehong iniimbistigahan ng ating Kongreso in full view of the public through the medium of television.
Sa mga pangyayaring ito, talo ang gobyerno, talo ang taumbayan,
Sinong panalo? Ang sindikato ng droga at ang Abu Sayyaf!
Talo ang taumbayan porke wala nang inatupag ang ating mga mambabatas kundi magsiyasat sa mga alegasyon na hangga ngayoy wala pang nailalantad na matibay na pruweba.
Sensitibo ang rebelasyon ni Rosebud na ang Crame ay naging sentro ng pangangalakal ng droga. Nawasak ang tiwala ng taumbayan sa pulisya.
Imbes na Camp Crame, ang tawag ngayon sa kampo ay Camp Crime na.
Sa halip na Philippine National Police ang tawag sa PNP, itoy naging Pushers na Pulis.
Ganyan din ang epekto ng pagbubunyag ni Fr. Cirilo Nacorda hinggil sa AFP-Sayyaf connivance.
Hindi na Armed Forces of the Philippines ang tawag sa AFP kundi Abu SayyAFP.