Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa talinghaga ng 10 dalaga. Ibinigay sa atin ito ni Mateo (Mt. 25:1-13).
Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: May 10 dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isay may dalang ilawan. Ang lima sa kanilay hangal at ang limay matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalinoy nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kayat inantok silang lahat at nakatulog.
Ngunit nang hatinggabi nay may sumigaw: Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo! Agad nagbangon ang 10 dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa mga matatalino,Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e." Baka hindi magkasya ito sa ating lahat, tugon ng matatalino. Mabuti pay pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo. Kayat lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga.Panginoon, papasukin po ninyo kami! sigaw nila. Ngunit tumugon siya, Sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.
Ang langis na nagpapaningas sa liwanag ng pananampalataya ay ang paraan na ating dapat isagawa. Ilan sa mga kaparaanang ito ay: pananalangin, paggawa ng kabutihan sa iba, misyonerong pakikilahok pagtulong sa iba na matanggap din ang pananampalataya, pag-alay ng ating mga sakripisyo. Ang pagpapatawad sa mga nakagawa sa atin ng pagkakamali ay nagpapaningas din sa ating pananampalataya.
Alin sa mga ito ang inyong isinasagawa? Kayo bay isang hangal na dalaga o isang matalinong dalaga?