Proven gimmick pero napakabahong estilo para makapagbenta ng produkto!
Amoy diarrhea talaga ang gimmick na ginamit upang i-promote ang pelikula ni Assunta de Rossi na Red Diaries.
Nagprotesta kuno ang Philippine National Police laban sa pelikula. Masyado raw itong yumuyurak sa dignidad (kung may nalalabi pa) ng kapulisan.
Pero ewan ko ba at hindi na tayo natuto.
Ang pelikula kung talagang maganda ay hindi na dapat gamitan ng ganyang gimmickry.
Ganyang gimmick ang ginamit sa pelikulang Schindlers List.
Lubha raw explicit ang love scene. Marami daw frontal nudity at dapat i-ban ang pagtatanghal sa mga lokal na sinehan. Ni-review ng Malacañang ang pelikula at ipinasyang ituloy ang showing nito.
Super box office hit! Pati akoy nakisiksikan at tiniis ang amoy pawis at anghit ng mga taong dumumog sa pelikula. Maganda naman ang pelikula at hindi ako nalaswaan. But thats beside the point. The point is, kailangan pang gawing kontrobersyal ang pelikula sa paraang dumadaya sa intelligence ng tao.
Ginagawang gullible ang tao o utu-uto. At madalas tayong (myself included) nauuto.
Marami pang ibang pelikulang ginamitan ng ganyang gimmick at tumabo sa takilya. See how some movie producers amass money at the expense of the peoples intelligence.
Nagpagamit ba ang ilang matataas na opisyal ng PNP sa gimmick na ito? Maybe yes, albeit unwittingly.
Posibleng may nagsulsol sa kanila na umalma laban sa pelikula ni Assunta. Posibleng ang mga nagsulsol na itoy mula sa kampo ng producer ng kontrobersyal na pelikula. Pero we cannot discount the possibility that these officials who went "up in arms" against Red Diaries are friends of the producer.
Hindi tayo ipinanganak kahapon. Hindi tayo dapat maging naive. Alam natin na kapag ginawa nating kontrobersyal ang ano mang bagay, itoy mas malamang na mabenta.
At naaaliw naman ako. Sa mga interview sa mga involved sa produksyon ng pelikula, as if naiirita sila sa protesta ng PNP. As if hindi nila alam na paborable yon para sa kanila. Ang gagaling talaga nilang umarte o!