Way Kurat

Nagpasa ng feature story ang ating House reporter na si Malou Rongalerios. Tungkol ito sa isang Kongresistang first termer na kung pumasok sa Kongreso ay naka-bisekleta.

Medyo sarcastic pa ako nang mabasa ko ang istorya ni Malou na may kasamang litrato ng Solon habang naka-bike. Pero take note, ang plate number ng kanyang bike ay otso. Bisikleta man ay may dignidad din.

Sabi ko, baka naman gusto lang ng publisidad ng Kongresistang ito.

Ito ay si Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora ng Compostela Valley. Ewan ko kung related siya sa dating Executive Secretary na si Ronnie Zamora na ngayo’y Kongresista ng San Juan.

Pero si Ronnie ay mayaman at itong si "Way Kurat" (No Fear) ay mahirap (daw) mula sa isang dahop na bayan.

Instant superstar daw itong si Way Kurat.

"Huwag n’yo akong tawaging sir. Way Kurat na lang," aniya raw sa mga sekyu ng Batasang Pambansa.

Basahin n’yo na lang ang nakalathalang artikulo ni Malou tungkol dito sa pahina 2.

Sa palagay daw ni Malou ay hindi naman nagpapakulo si Way Kurat. Katunayan, hindi naman daw ito humihingi ng write-up o publisidad.

Ngunit sa tingin ko, kung isa kang mambabatas na papasok araw-araw na nakabisikleta, natural mapapansin ka ng mga manunulat. Whether you like it or not, you will merit publicity. Good copy ka eh! Kaya yung sinasabing he is not after publicity, I take it with a grain of salt.

Nagtataka kasi ako. Naka-kandidato ka at nanalo pero hindi ka makabili kahit segunda-manong owner type jeep.

Anyway, harinawang maging mabuting mambabatas si Way Kurat.

Kung ibig niyang panindigan ang pagbibisekleta niya sa pagpasok, okay lang iyon basta’t gumawa siya ng mga batas para sa ikabubuti ng bayan. Dahil mula ngayo’y naka-pako ang tingin ng press sa iyo.

If you don’t do your job well enough, sasabihin naming puro ka grand standing. Puro pakulo para makatawag lang ng pansin.

Marahil isa sa mga batas na maipapanukala niya ang paglalagay ng bicycle lanes nang sa gayo’y hindi kahalubilo ng mga malalaking sasakyan ang mga bikes na napaka-peligroso.

At makita sana ng ibang mambabatas na nabubuhay sa luho ang ehemplo ng simpleng pamumuhay na ipinakikita ni Way Kurat.

Kung ang iba’y mararangyang Mercedez Benz, Volvo at Pajero ang mga sasakyan, ito’ng si Way Kurat ay kuntento sa Pajakero.

Sabagay, Zamora kasi ang apelyido niya kaya hindi siya de luho. Sa Mura lang siya.. Hek-hek-hek.

Way Kurat,
huwag puro pakulo ha. Gusto mong mapansin, ayan napansin ka na nga. Better be good… or else.

Show comments