Theoretically, ani Dr. Kaplan, puwede rin daw itong gawin sa tao. Pipitas lang ng cell sa baog na lalaki hindi sperm at ipambubuntis na sa asawa. Magkakaanak na ang malungkot na mag-asawa.
Heto ang panggulat ni Dr. Kaplan: Miski cell mula sa isang babae, puwede ring ipambuntis sa ibang babae! Ano? E di wala nang silbi ang mga lalaki. Pangkama na lang kami. Magiging palipasan lang ng sarap. Hindi na kailangan sa normal na reproduction. Diyos kong mahabagin!
Yan na nga ba ang pangaral sa akin ng Mommy ko simula bata. Mag-ingat daw ako sa babae. Lahi raw kami ng pikutin. Huwag daw akong bubukaka sa pag-upo. Hinuhubaran daw kami sa tingin ng babae. Baka raw ako pagsamantalahan, masasaktan lang ang puso ko. He-he-he, biro lang, mga chicks at hens.
Seryoso na. Nakababahala ang research ni Dr. Kaplan. Gigimbalin ang nakagawian ng tao sa loob ng daang-libong taon. Inamin niya na miski sa lesbian relationships, puwede nang magkaanak. Kukuha lang ng cell sa isang babae, at buntis na yung kapareha.
Ang pangamba lang daw niya, ani Dr. Kaplan, ay yung genetic defects na maaaring lumitaw sa kanyang experiments. Hindi na sa lesbian affairs kundi miski raw sa tunay na mag-asawang babaet lalaki, maaring lumabas na abnormal ang anak. Buti sana kung kulang lang sa daliri. E kung ang ulo ay sa kilikili tumubo. Pero may ethical at moral issues din sa pakulo ni Dr. Kaplan. (Itutuloy)