Noong ako ay nasa Kongreso pa, mariin kong isinulong ang pagkakaroon ng pambansang program laban sa rabies, ngunit dahil sa dami ng nakasalang na prayoridad ng panukalang batas ng dating pamahalaan, nabinbin ito sa Senado.
Kayat tinatawagan ko ng pansin ang Kongreso na ihain itong muli at bigyan ng prayoridad. Dumarami ang bilang ng biktima ng rabies at ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan ang nakasalalay dito.
Sa sitwasyong ito, kailangang patibayin ang Anti-Fen cing Act o pagpaparusa sa mga nagbebenta at gumagamit ng cellphone kahit na alam nilang ito ay nakaw. Marami na ang isinuplong sa pulisya ng mga ganitong problema. Ngunit kailangan pa rin ng masugid at alerto na pagbabantay ng mga pulis sa mga kalsada, sakayan at pati na ang mga shopping malls. Gawin sana ang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan.