Dahil dito, nagsampa ang mayor ng kaso sa Korte Suprema. Ayon sa kanya, walang kapangyarihan ang Presidente na bale-walain ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan. Habang ang kaso ay nakabinbin sa Korte Suprema, natapos na ang termino ng mayor at siya’y muling nahalal. Dapat pa bang resolbahin ng Korte Suprema ang petisyon?
Hindi na. Kapag ang isang nanunungkulang opisyal ay muling nanalo sa election, wala na siyang pananagutan sa anumang pagkakasalang administratibo na nagawa niya bago siya nahalal muli ay dahil sa muling pagkakahalal sa kanya ay katunayan nang muling pagbibigay ng tiwala ng mga tao. Hindi maaaring tanggalin ng Korte ang muling inihalal na opisyal para sa mga dating kamalian at katiwaliang administratibo na kanyang nagawa. Kapag ang isang opisyal ay muling inihalal o re-elected, ito’y patunay lamang na napatawad na nang mamamayan ang kanyang kamalian, kung mayroon man. Dapat lang na sundin at igalang ang kagustuhan ng mga nagbalik sa kanya sa puwesto (Lizares vs. Hechanova, et. al., 17 SCRA 58).