Biyenan ni Maj.Noel Buan na naging 'kaibigan' ng communist leader

Alam n’yo ba ang isang dahilan kung bakit napalaya si Maj. Noel Buan?

Ayon sa aking bubuwit, 24 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Nora Beltran ng DZRH Drama Department at kay Manny Gavion ng Pasay City.

Binabati ko sina Brod. Jun Mendez ng OCW; Mayor Romy Garcia ng Sta. Teresita, Cagayan; Atty. Bing Padilla ng Baggao, Cagayan; Vice Mayor Jimmy Bautista ng Nasugbu, Batangas; Atty. Mario Panganiban ng Lipa City; Atty. Luchie Cruz Dacuan ng San Miguel, Bulacan; Gen. Eli Yorro ng La Union at ang Super Flerry Marcelo ng Malabon.
* * *
Alam n’yo ba kung ano ang isang dahilan at tuluyang napalaya si Maj. Noel Buan?

Hindi pala purely political ang dahilan. Meron ding human touch ika nga. Ewan ko lang kung meron pang romantic link...
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ito palang si Maj. Noel Buan at isang top leader ng CPP-NPA-NDF ay merong one thing in common. Ito ay ang biyenang babae ni Major Buan.

Ayon sa aking bubuwit, kaya naman pala lumambot ang puso at damdamin ng mga rebolusyunaryong Komunista ay dahil sa naturang biyenan ni Major Buan.

Kung ilang beses na nabalam ang paglaya ni Maj. Buan sa kamay ng mga tauhan ng NPA Melito Glor Command sa Timog Katagalugan subalit natuloy din ang paglaya nito. Siyempre, dahil sa pagpasok ng GMA administration sa peace talks, ‘yan ang pangunahing dahilan.

At ang isa pang dahilan ay ang mga nakaraan ng biyenan ni Major Buan at ng isang CPP leader.

Makinig kang mabuti Ka Roger Rosal at baka hindi mo pa ito alam. Totoo ito at hindi tsismis.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong biyenan na babae ni Major Buan at ang isang lider ng NDF ay naging magka-klase pala sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Sila ay naging magkaibigan.

Kung hanggang saan ‘yung kanilang pagiging magkaibigan ay ayoko nang pakialaman. Baka magalit pa sa akin si Mrs. Cielo Buan. Nanay niya yata yun. Baka naman MU o friends lang, di ba?

Ayon sa aking bubuwit, ang CPP-NPA-NDF leader na naging kaibigan ng biyenan ni Major Buan noong estudyante pa sila sa U.P. ay walang iba kundi si Prof. Jose Maria Sison.

Show comments