Isang halimbawa rito ay ang mahigpit niyang pagtutol na mabigyan ng akreditasyon ang Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD) para makalahok sa May 14 elections. Sumulat siya sa Commission on Elections na humihiling na kanselahin ito. Ang sulat ay binubuo ng apat na pahina at naka-addressed kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo. Sinasabi ni Perez na ang MAD movement ay apolitical. Ito aniya ay proyekto ng gobyerno na ang pondoy dapat gamitin para suportahan ang mga aktibidad nito. Ang mga miyembro ng MAD ay taumbayang nagkakaisa ng layunin para labanan ang droga hanggang maging drug-free country ang Pilipinas.
Nakapagtataka kung bakit ang MAD ang labis na pinag-iinitan ni Perez gayong napakaraming mga party-list na nakakuha na ng slot sa House of Representatives. Nakatitiyak kaya si Perez na pawang may magandang layunin ang mga party list nakakuha na ng accreditation o para sa pansarili lamang. Kataka-takang kung sino ang partidong may layuning malutas ang drug problem ay siya pang pinagdidiskitahan ni Perez. Ang illegal drugs ay isa sa mga malulubhang problema na dapat durugin ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Gaano karaming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa salot na ito ng lipunan? Gaano karami ang nabibiktima ng mga bangag sa bawal na gamot may pinapatay, nire-rape, pinagnanakawan at marami pang iba?
Kami ay mahigpit na kalaban ng mga salot sa lipunan sa simula pa lamang at nagkakaroon kami ng sentimiyento sa hindi parehas na aksiyon ni Perez sa MAD na pinamumunuan ni dating Presidential Adviser for Youth and Sports Richard Gomez at PNP Deputy Director General Jewel Canson. Matalas ang titig niya sa MAD na para bang lumilihis siya sa tunay na layunin ng kanyang hinahawakang departamento.