Palatandaan ng pagme-menopause

Ang pagme-menopause ng kababaihan ay maaaring natural, pre-mature o artificial menopause ayon kay Dr. Concordia Martin Pascual, kilalang obstetrician-gynecologist. Sinabi ni Dr. Pascual na ang menopause ay nangyayari sa kababaihan may gulang na 39 hanggang 60 pero mas marami ang nagme-menopause sa gulang na 47.

Madalas na kapag ang isang babae ay nag-aaborido sinasabing ito ay nagme-menopause na. Sinabi ni Dr. Pascual na ang pagiging masungit, madaling mairita at pagiging palaaway ay palatandaan ng pagme-menopause. Sintomas din ang mga sumusunod: Madaling nerbiyusin, madaling mapagod, humihingal at nagkakaroon ng palpitation, pamamanhid, mapag-isip, malulungkutin at pagkakaroon ng insomnia. May pagkakataon din na ang magme-menopause ay nahihirapang umihi at palaging kinakabagan. Ayon kay Dr. Pascual kumikipot ang obaryo dahil hindi na normal at kulang na ng ‘‘estrogen’’ ng babae. Ipinapayo ni Dr. Pascual ang hormonal replacement therapy na mabisa at kailangan ng babaing nagme-menopause.

Si Dr. Pascual ay nagtapos ng medicine sa UST. Matatagpuan siya araw-araw sa kanilang Pascual Hospital sa Novaliches, Quezon City. Siya ang kasalukuyang president ng Private Hospital Association of the Philippines at past president ng Philippine Medical Association. Makailang-ulit siyang awardee ng Gintong Ina at Parangal ng Bayan.

Show comments