Sapul nang maupo si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo kamakailan ay wala pang naitatalagang direktor ng naturang radio network ng pamahalaan.
Naunang hinirang ni GMA ang brodkaster ng DZRH na si Resty Dequiroz. Pero marami raw orihinal na kawani ng PBS ang nagprotesta dahil kinukuwestiyon ang kakayahan ni Resty sa pamamahala ng organisasyon.
Umalis ang dating direktor ng PBS na si Ding Gagelonia dahil co-terminus ang kanyang posisyon sa pinatalsik na Paresident Joseph Estrada.
Kaya ngayon, ang isinusulong na maging director ay ang old-timer ng PBS na si John Manalili. Ngunit may paksyon daw na sumasagka sa kanyang appointment. Obviously, may ibang nag-iinteres sa posisyon.
Kasabay kong nagsimula sa Voice of the Philippines noong 1970 si John bago pa man ma-integrate ang VOP sa PBS. Ngayoy News and Public Affairs chief siya ng PBS.
Reporter at anchorman kami at tila wala kaming kapaguran. Pagkatapos ng aming programa sa radyo sa hatinggabi, buong madaling-araw ay ginagalugad namin sakay ng aming Maharlika Patrol ang Metro Manila (kung minsan nakakaabot pa sa probinsya) para mangalap ng mga report. Hindi lang reportorial ang ginagawa namin kundi public service pa.
Laging suot ni John ang kaisa-isang berdeng amerikana na tila hindi na yata nalalabhan. Gusut-gusot ang kanyang kulot na buhok dahil sa puyat pero tuloy ang aming kayod for the love of our work. Naaalala ko pa ang luma niyang bulldog na sapatos na light brown na sa duloy sinulatan niya ng pentel pen ng "tapatot".
Pareho kaming jeepney at bus rider ni John porke halos hand-to-mouth existence kami sa liit ng aming suweldo na P400 a month. Pero okay lang dahil enjoy ang magtrabaho sa radio. Glamorous at maraming tagahanga.
Minsan habang nakasakay si John sa isang bus na bumabaybay sa EDSA, nakasaksi siya ng isang batang na-hit-and-run. Bumaba si John sa bus, kinilik ang bata at isinakay sa taksi upang dalhin sa PGH. Duguan ang damit ni John pero masaya siya porke nakagawa ng isang heroic deed. Nakaligtas sa kamatayan ang bata. Nang talamak na ang pang-aabuso ng rehimeng Marcos, naglahong parang bula si John. Kaypalay nagtungo sa Mindanao, naging kolumnista sa isang lokal na pahayagan sa pseudonym na Don Maharocon upang banatan ang mapanupil na rehimen.
Man of principle. Iyan ang perception ko kay John maliban na lang kung kinain na siya ng bulok na sistema which I really doubt knowing the man personally. Kaya kung ako si GMA, I know I have the right man for the job. Sana wala nang humadlang dito.