Kaugnay nito, ikinararangal ko at ng VACC na tanggapin ang First Gentleman na si Atty. Jose Miguel T. Arroyo, bilang isa sa mga volunteer lawyers ng VACC. Sa isang simpleng pagdiriwang noong Biyernes, pormal na tinanghal ng VACC si Atty. Arroyo bilang isa sa mga batikang abogadong boluntaryo ng VACC na tutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng karahasan at katiwalian.
Isa sa mga pangunahing tungkulin ng volunteer lawyers ng VACC ang magbigay ng legal assistance sa mga biktima ng krimen. Kasama na rin dito ang pagdalo sa paglilitis ng kaso ng mga biktima sa pag-asang mabibigyan ng katarungan.
Inaasahang makikipagtulungan din si Atty. Arroyo, kasama ang iba pang mga volunteer lawyers ng VACC sa pakikipagpulong at pagsasangguni sa isat isa ukol sa mga usapin na kung saan ang interes o kapakanan ng lipunan ay nakasalalay. Ito ay upang magkaroon din ng boses ang ating mga kababayan sa kanilang pakikialam sa mga gawain ng pamahalaan upang masiguro naman na ang kanilang kapakanan ay hindi maisasakripisyo para lamang sa interes ng ilan.
Umaasa ang VACC na marami pang volunteer lawyer ang sasama sa adopt a case program ng VACC.
Panatag ang VACC sa kakayahan ni Atty. Arroyo at ng iba pang mga volunteer lawyers sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isa sa mga kakampi ng mga biktima ng krimen. Naniniwala naman ako na sa kasalukuyang programa ng Arroyo administration ang magkaroon ng mga pagbabago sa ating sistemang pangkatarungan.
Sa ngalan ng mga biktima ng krimen, malugod na tinatanggap ng VACC si Atty. Arroyo sa pag-asang matatamo nila ang katarungan sa kani-kanilang mga kalagayan. Mabuhay ka, Atty. Mike Arroyo!