Nang idaos ang World Summit Against Cancer, lahat ng participants ay sumang-ayon sa itinatadhana ng Article 25 ng Universal Declaration of Human Rights na nagsasaad na ang lahat ng tao ay may karapatan sa maayos na pamumuhay, kalusugan ng sarili at kanyang pamilya, kasama rin ang tungkol sa pagkain, pananamit, bahay na tirahan at pangangalagang medikal.
Tinataya ng World Health Organization na sa year 2020, may 20 milyong kaso ng cancer ang matutuklasan at 70 porsiyento rito ay mga biktimang nakatira sa bansang mahihirap at walang gaanong resources sa pagkontrol ng cancer. Patunay lamang na kung hindi maiiwasan ang cancer patuloy itong magiging pasanin. May mga cancer na maaaring mapigilan at maiiwasan kung makokontrol ang paggamit ng tobacco, wastong pagkain, impeksiyon at pollution.
Nakikiisa ang Pilipinas sa pandaigdigang pakikipaglaban sa cancer at inaasahang sa darating na panahon, maraming buhay ang maililigtas sa pananalasa nito. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng tamang edukasyon, pag-detect sa maagang panahon, pag-iingat, paggamot at pananaliksik. Ang kalidad ng buhay ay tataas at wala nang magdaranas ng hirap.
Ang medical team ay pamumunuan ni Dr. Ma. Alicia M. Lim, Director ng Jose Reyes Memorial Medical Center kasama sina Drs. Maria Fe M. Perez, Mercedes B. Beloso, Ariel Santos, Bon Razeac Jara, Manuel Pocsidio, Kathryn Tingkingco, Precy Gomez, Aidy Clemente, Anthony Ortiz, Dennis Joseph Banzon at Minnie Uy. Katulong nila ang Chief Nurse na si Elsie I. Sarabia at kasama sina Beatriz Sawal, Nilo C. Tiburan at Natividad R. Sarmiento.
Ang iba pang doktor na tutulong ay sina Drs. Primo Brillantes, Gerry Domingo, John Nite, John Stewart, Greg Ocampo, Celia Anatalio at Jun Elicaño. Maliban sa surgical at medical services, magkakaroon din ng OB-Gyn, EENT at Pediatrics clinics. Magkakaroon din ng laboratory examinations tulad ng blood typing na isasagawa ng mga medical technologist na sina Leonarda Perpetua Galang, Irene Salaya, Norma Manabat katulong ang mga internist na sina Reagan Tan, Wynndyll Moscosa at Paul Joseph Bacolod.