Pinagpalang lungsod

Iisa ang lungsod na walang basura
kahit sa maliit malaking kalsada;
Ang lungsod na ito’y tangi’t pinagpala
ngayo’y tinatawag Lungsod Muntinlupa;

Kahit magtungo ka sa mga barangay,
walang makikitang basura at langaw
Kung may basura man ay nasa lalagyan
walang nakatambak sa kung saan-saan!

Sa mga lugaring may agos ng tubig
kalat na basura’y walang mamamasid;
Sa estero’t kanal at malaking batis
ito’y pinalalim – basura’y inalis!

Nang aming tanungin ang mga opisyal
kung bakit kay linis ang kanilang bayan?
Sagot ay iisa’t ang kalinisan daw
una sa programa ng pamahalaan!

Nang ang munisipyo ay aming dalawin,
lahat ay maayos malinis tanawin
mga empleado’t may ID pa mandin
nakauniporme’t kay ayang malasin!

At ang sabi nila na lahat ng ito
utang kay Fresnedi alkaldeng matino;
Sa kanyang programa na may walong punto
una’y kalinisa’y ang lusog ng tao!

Show comments