sa lahat ng taong sa trapik ay kuba,
Ang ating gobyerno ang sabiy gagawa
ng mahabang kalye sa ilalim-lupa!
Ang lagusang ito kung tawagiy subway
lupay bubutasin para maging tunnel,
Katulad sa bansang mayayamat okey
na walang problema sa perat sa zoning!
Sabi ng gobyerno itoy popondohan
ng P700 milyong salapi ng bayan,
Kung saan kukunin halagang naturan
ay hindi sinabi ng pamahalaan!
Tunay na maganda at kapuri-puri
proyektong naisip pantulong na kalye,
Kung itoy gagawing magandat maliksi
mabibiyayaay sambayanang sawi!
Transportasyon natiy higit pang kikisig
pagkat tren itong may sariling riles,
Sa Metro Manilay, babawas sa trapik
at ang mamamayay bibiyaheng mabilis!
Ngunit ang problemay kung saan kukunin
malaking halagang ditoy gagastusin?
Di naman maaring itoy manggaling din
sa pondo ng bayan na mula sa jueteng!