Ayon sa naging desisyon, kinatigan ng Korte Suprema ang aming alegasyong ang pagbigay ng prangkisa ay nasa ilalim lamang ng hurisdiksyon ng lehislatura. Nakasalalay ang interes ng ating mga mamamayan sa pagbibigay ng nasabing prankisa. At dito napatunayang illegal ang prangkisa na ibinigay ng PAGCOR sa mahigit na 22 taong operasyon ng jai alai.
Ibinasura rin ng Korte Suprema ang argumento ng PAGCOR na masasayang ang pondong nakukuha ng pamahalaan sa operasyon ng jai alai. Walang laki ng halaga ang maaaring katumbas ng pagsasaayos ng moralidad at kultura ng ating mamamayan. Hindi pa rin huli ang lahat upang hubugin natin ang ating mga kabataan sa kultura ng sariling sikap, tiyaga, talino at pagtitiwala sa sariling kakayanan.
Ang tuluyang pagpapasara ng jai alai sa ating bansa ay nagbigay liwanag sa nalulugmok na moralidad sa ating bansa.
Mabuhay ang ating hustisya.