Ayon sa aking bubuwit, 28 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay yumaong Sen. Ninoy Aquino. Nagse-celebrate pa kaya siya ng birthday sa kabilang buhay?
Happy birthday din kay Mr. Miguel Belmonte, CEO-President ng Pilipino Star NGAYON at Philippine Star, Sen. Franklin Drilon, Amb. Baby Puyat-Reyes, Billionaire Tony Boy Cojuangco, Tony Plaza, Baby Valeroso, Diwata Sanchez Josef, Lester Luliano, Jojo Esguerra. Bro. Al Obsum, Joy Serundo at Marcelita Canlas ng Caloocan City.
Congratulations kay Col. Joe Gamos ng J-3 GHQ, ang newly raised Kagitingan Lodge; San Juan Mayor Jinggoy Estrada, Vice Mayor Philip Cezar at Sandy Javier at ang buong team ng San Juan Knights. Sila ang bagong champion sa MBA.
Ayon sa aking bubuwit, pati mga artista ay apektado na rin sa nararanasang political at economic crisis sa bansa. Kung may mga manggagawang natanggal na sa trabaho, marami rin namang mga artista ang wala nang show at wala nang pelikula.
At siyempre, para ma-maintain ’yung kanilang lifestyle, sila ay kailangang kumita. Kung anong paraan, kanya-kanyang diskarte na ’yan. ’Yung iba ay kumukuha ng azucarera de papa. ’Yung iba naman ay nagpapa-booking na lang ng mga customer. Ang pinipili ay rich Chinese businessmen, mga pulitiko at ilang government officials. ’Yung iba nga ay Cabinet secretary, senador at kongresista.
Ang dami nang kinabitan na rich businessmen ni Sexy actress pero wala yatang suwerte. Ayon sa aking bubuwit, ang rate ngayon ni Sexy actress ay P35,000 pataas. Depende siguro sa customer kung rich o hindi masyadong rich.
Pero, huwag niyo akong tatanungin kung sino ang kanyang manager. Hinahanting ko rin eh.
Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na nagbebenta na ngayon ng aliw ay walang iba kundi si…
Siya ay dating model ng isang inuming panlalaki.
Ito ay walang iba kundi si Actress… Actress R. as in Rare na ang pelikula.