Tagahanga ng Tour of Luzon: Panahon na para gawing pambabae lamang ang pagbibisikleta. Hindi nila aalalahaning masisira ang kanilang pagkababae.
Organizer. Hindi tama iyan. Ito ay isang malayang bansa. Ang mga kalalakihan ang may kakayahan at lakas na kinakailangan para magtagumpay sa isang mapanganib na laro. Maaari naman silang magsagawa ng kinakailangang paraan upang mapangalagaan ang kanilang pagkalalaki.
Maybahay ng isang manlalaro: Kung may pinsala man, agad ba itong mararamdaman? Ilang taon bago ito maramdaman? Maraming taon na ring nagbibisikleta ang mister ko, baka hindi na kami makalalaki.
Ayon sa mga siyentipiko, kinakailangang magsuot ng mga tinatawag na shock-absorbent at iba pang pananggalang sa pagkayanig ng kanilang mga pagkalalaki. Bagaman isa ang pagbibisikleta sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kalalakihan na nababaog, malaki rin ang epekto ng polusyon sa pagkasira. Kung kayat maraming kababaihan ang naghihinagpis sa Pilipinas. Nawalan sila ng pagkakataong ikalat ang kanilang lahi. Daig pa nila ang ibinilad sa disyerto mainit ang katawan, ngunit walang papatid ng uhaw.
Kailangan ang lubusang pangangalaga sa kalusugang seksuwal ng mga kalalakihan. Mainam ang pagpaplano ng pamilya. Pero ang pagkabaog kailanmay hindi naging katanggap-tanggap na opsiyon.