Ayon kay Dr. Catipon ang mga mata ay dapat na laging malinis sa anumang dumi gaya ng alikabok, usok at insekto. Sinabi niya na ang mata ay kawangis ng kamera na kumukuha ng larawan. Ang retina ng mata ang kuma-capture kung ano ang nakikita at ang parteng ito ng mata ay napakasensitibo. Ang optic nerve, ayon kay Dr. Catipon ay dapat na ma-check-up bawat taon.
Ipinaliwanag ni Dr. Catipon na may pagkakataong ang isang tao ay magmamatang-manok na kapag takipsilim ay lumalabo ang paningin. Ayon pa kay Dr. Catipon ang katarata ay hindi namamana at natural sa nagkakaedad na unti-unting lumalabo ang paningin. Ang glaucoma ay kadalasang dumadapo sa mga may edad 40 at dapat na ipa-opera kaagad.
Nagbabala rin si Dr. Catipon na dapat na maging maingat ang mga nagko-contact lenses. Dapat alisin ang contact lens sa pagtulog at kailangan ding linising mabuti para maiwasan ang anumang infection. Sinabi niya na ang tinatawag na cornea ulcer ay puwedeng ikabulag. Sinabi pa niya na mas mabuti para sa mga bata na gumamit ng contact lens kaysa sa salamin.
Sa mga katanungan hinggil sa pangangalaga at anumang karamdaman tungkol sa mata, maaaring matawagan si Dr. Catipon sa mga teleponong ito: 817-6721 at 759-5946.
Samantala, ibig kong pasalamatan si Helen dela Rosa ng Hong Kong sa ipinadala niyang donation. Hindi ko ito nabanggit agad dahil nag-advance ako ng column. Again thanks and God bless.