Sa Taipeh, si Tu Chin-sheng, isang propesyonal ng Taiwanese na martial art na kung tawagin ay chi kung, ang nagsabing ang pangunahing layunin nila ay palakasin ang kanilang mga pagkalalaki. Si Tu at ang iba pa niyang mga kasamahan ay dagliang kumuha ng atensyon nang hilahin nila ng 30 sentimetro ang isang 11-toneladang trak sa pamamagitan ng kanilang mga ari. Ayon pa kay Tu, ang susunod nilang gagawin ay kumaladkad ng isang eroplano. Mahirap pantayan ng sinumang Pilipino ang ginawa nina Tu. Bakit nga ba hindi na lang sila makuntento sa pagkikipaglaban?
Guro ng arnis. ‘‘Lulutasin namin ang laban sa pamamagitan ng aming paa, kamao at pamalo at hindi ari. Ano kami bakla?’’
Baklang aktibista: ‘‘Puro salita lang tayong mga Pilipino. Walang mapapatunayan hanggat di subukan.’’
Guro ng chi-Kung: ‘‘Mga ginoo, ang chi-kung ay para pantanggol lamang sa sarili. Ngunit ang pagkalalaki natin ay maaari ring maging sandata tulad ng kamao, paa, siko, ulo at iba pang bahagi ng katawan.’’
Hindi sinabi kung gaano kalaki ang lubid o kable na ginamit nina Tu sa paghila ng trak. Subalit sila ang itinuturing na mga kauna-unahang tao na nakagawa ng ganoon. Dibdiban ang kanilang pagsasanay kabilang na ang pagsasabit ng mga bagay na may bigat na 200 kilo sa kanilang ari. Maaari itong subukan ninuman kabilang na ang mga may-asawa. Pero kinakailangan pa rin ang pahintulot ng kanilang mga maybahay. Malaking kawalan ito kung sakali. Hindi magtatagal na maging ang mga kababayan natin ay susubukan na ang kakaibang paraang nabanggit. Hindi naman monopolyo ng mga Taiwanese ang pagkalalaki ng lahat. Sa hinaharap, maaari nating pagharapin ang mga Pilipino at mga Taiwanese sa isang paligsahan sa paghila ng trak upang maayos ang mga tunggalian. Dito na marahil malalaman kung ano ang siyang karapat-dapat na tanghaling hari ng mga martial arts.