Hindi na maaaring mangyari ito sa ngayon. Isang hari ang nasa panig ng mga awtoridad upang magbigay ng testimonya. Subalit, lubhang mahirap matunton ang mga taong kabilang sa listahan ni Singson. Sa pera at kapangyarihan na kanilang hawak, madali nilang taguan ang batas. Hindi na nila kailangan pang sumanib sa isang rebeldeng grupo, sa Komunista o di kayay sa Abu Sayyaf.
Maybahay sa isang Kubrador ng jueteng: Nanaginip ako ng isang kalbong nilamon ng sawa. Heto ang limang piso. Tayaan mo ang katumbas na numero.
Kubrador: May bigote ba yung kalbo? Magdagdag ka ng limang piso para doon sa bigote.
Tiwaling pulis: Sigurado ka bang yung kalbong sinasabi mo ay hindi yung pinaghahanap naming gambling lord? Masama ang sugal. Itigil na natin ito. Magiging legal na ang jueteng at ang mga pulitiko lang ang matutuwa.
Bakit, tila mahirap matigil ang jueteng? Ang naturang laro ay nakatanim na sa sensibilidad ng mga Pilipino sapagkat nakapagbibigay ito ng oportunidad sa mga nangangailangan at ang pera ay umaabot sa bulsa ng mga lokal na opisyal at mga pulis. Batid ng lahat ang talamak na pandaraya sa bolahan. Ngunit hindi nila ito alintana dahil sa laki ng maaaring mapanalunan. Nagiging matagumpay ang jueteng sa mga lugar na labis ang karukhaan. Ito ay animoy opyo ng mga naghihikahos. Para sa kanila, ang jueteng siyang tanging nagbibigay sa kanila ng pagkakataong makabayad sa kanilang pinagkakautangan at makatikim ng kaunting ginhawa.
Ang pagtatangkang maging ligal ang jueteng ay nadiskaril dahil sa mapusok na pagtutol ni Singson. Hindi mapipigilan ng mga paratang ni Singson ang mga bolahan. Marami pa ring mahihirap ang magsusugal para sa pagkakataon. Sapagkat sa kanila, ang buhay ay jueteng.