Mayroon din siyang natural na galing sa pangangatwiran. Hanga ang lahat sa linaw ng kanyang pag-iisip. Kaya madalas siyang hingan ng payo ng marami sa nayon. Parang kaya niya ang anumang paksa o tema.
Ako ang taong nasa mundo ng pag-iisip, madalas niyang sabihin sa mga nakikinig sa kanya. Ang pag-aaring materyal ay hindi naman madadala sa langit. Ang mahalaga ang ugali at pag-iisip. Hindi ito maaaring nakawin. Tatlong beses akong kumain. Sapat na iyon. Sa katotohanan isang pares ng sapatos lamang ang maaari nating gamitin sa bawat sandali. Kaya hindi na natin kailangan ang iba pang bagay sa mundong ito.
Isang araw ay nabigla ang mga taga-nayon sa balita na natanggap ang magsasaka para magtrabaho sa Saudi Arabia.
Nang paalis na ang magsasaka napansin ng mga taga-nayon na ang bitbit nito ay maliit na bag na ang laman ay isang kamesita at isang pantalon. Huwag nyong kalilimutan na ako ay isang tao sa larangan ng pag-iisip at utak. Hindi ko kailangan ang mga bagay na materyal.
Pero kailangan mo nang maraming kagamitan. Mawawala ka nang dalawang taon, payo ng mga kaibigan.
Kaya ko ito. Tingnan ninyo pagbalik ko paglipas ng dalawang taon, sagot ng magsasaka.
Lumipas ang dalawang taon at bumalik ang magsasaka. Apat na malalaking kahon at dalawang naglalakihang bag.
Ano ang nangyari? Akala naman ay tao ka sa mundo ng utak at pag-iisip? tanong ng taga-nayon.
Oo, pero iyan ay nang ako ay umalis. Ngayong pabalik na ako ay marami akong kinita para makabili ng pangangailangan sa mundo. May utak at pag-iisip pa rin ako pero tipong mayroon ng kakayahan sa buhay.