Ilan lamang ito sa mga benepisyo na nakukuha sa chelation therapy at sa mga susunod na labas ay ilalahad ko ang mga pagpapatotoo ng ilan sa mga pasyenteng napagaling sa pamamaraan ng panggagamot ni Dr. Estuita na naging isang doktor sa gulang na 24, naging fellow ng Philippine College of Physicians, clinical research fellow sa Rockefeller Foundatin sa Nueba York, diplomate ng American College for the Advancement of Medicine.
Ang chelation therapy ay isang wholistic process. Sinusugpo nito ang mga tinatawag na pangunahing risk factors gaya ng hypertension, obesity, diabetes, paninigarilyo, cholesterol at fatty foods, sedentary life at hereditary tendency.
Ayon kay Dr. Estuita, malaking bagay ang pagkain at pagdidyeta sa kalusugan. Ang mga nagsasagawa ng chelation na mga biological medicine practitioners ay naghahanda ng isang diet na tinatawag nilang preventive diet gayundin ang kanilang therapeutic diet at ang mga biological practitioners na ito ay nagpatunay na ang atherosclerosis na dahilan ng heart attack at stroke, ay unti-unting magagamot na hindi nangangailangan ng operasyon.(Itutuloy)