Balitang SPECIAL - Mayor, nahuling 'nagpapalinis-tubo'

ALAM n’yo bang nahuli sa aktong ‘‘nagpapalinis-tubo’’ ang isang mayor?

Ayon sa aking bubuwit, 82 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna sa aming Lady Bossing Madam Liza Macuja-Elizalde, kay Engr. Willy Fernandez, Jonee Dayola, Angel Santos ng MBC; Roger Delloso ng Citibank; Lito Bersalona, Genesis Gosuico at Ma. Teresita Villegas.

Binabati ko rin si Vice Mayor Jimmy Bautista ng Nasugbu, Batangas; Col. Pol Maligalig, Dr. Gary Sy ng Life Extension Medical Center; Monnie Oribiana, Jose Antonio Santiago ng Herbcare; Kharel Kali, Hadja Estee Kali at Putlih Sahisa ng Sulu Barter Trading Market, Jolo, Sulu.
* * *
Alam n’yo bang mahilig palang magpa-‘‘Monica Lewinski’’ ang isang mayor?

Ayon sa aking bubuwit, ang mga nagiging biktima ni Mayor ay ilang kababaihan na humihingi ng tulong sa kanya. Wala itong patawad dahil maski biyuda, may asawa at dalaga ay pinapatos niya.

Ayon sa aking bubuwit, last week, dakong alas-4:00 ng hapon ay nahuli sa akto si Mayor. Nahuli ito ng kanyang bodyguard na ‘‘nagpapalinis-tubo’’ Nakalimutan kasi ni Mayor na i-lock ang pintuan ng kanyang opisina. Nang pumasok ang bodyguard, kitang-kita niya ang ginagawa ni Mayor at isang chiching na humihingi ng tulong.

Habang nakaupo si Mayor sa silya ay nakaluhod naman sa harap ang isang babaing kumakanta sa wireless microphone.

Tarantado ka, Mayor! Bakit ka naman ganyan? Bakit sa loob pa ng opisina?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagalit si Mayor sa bodyguard at minura ito saka mabilis na pinalabas. Hindi kaya nabitin si Mayor?

Ang ganitong gawain ni Mayor ay buking na rin pala ng ilan niyang mga tauhan. Kaya ang payo ko sa mga kababaihan o mga misis na may itsura, kung hihingi kayo ng tulong kay Mayor, si mister na lamang ang papuntahin upang hindi kayo mapasubo.

Pero sa hirap ng buhay, kahit ganoon ang ipinagagawa ni Mayor, ang iba naman ay pumapayag. Binibigyan kasi sila ni Mayor ng mula P500 hanggang P1,000. Depende na siguro ’yan sa serbisyo at hawak ng mikropono.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang mayor na mahilig magpa- ‘‘Monica Lewinsky’’ sa mga kababaihang humihingi sa kanya ng tulong ay walang iba kundi si…

Maganda at mestisa ang misis nito, mataba, malaki ang tiyan, maitim at hindi guwapo. Ano ang opposite ng guwapo?

Ito ay walang iba kundi si Mayor…

Mayor L.T. as in Linis Tubo ng Central Luzon.

Show comments