‘Panambitan’ by Rio Alma

We’re privileged. National Artist Virgilio S. Almario permitted us to print his new poem. Let’s savor it:

Panambitan

Sa harap ng pangil, nanginig ang bulan;

Lumuha ang saksing hamog;

Lumungayngay ang puyat na duklay

Kasabay ng malamlam mong paálam.

Bakit kailangang sakmalin ng bakunawa

Kung kailan kabilugan ang bulan?

Walang anghel na makauunawa sa himutok

Ng mga bituin ngayong hatinggabi

Ng dalamhati.

Kahit ang kandila’y hindi maláy sa dahilan

Ng pagtirik ng masaganang ningas.

At bakit pa?

Hindi ito tayutay ng pagmamalabis

Sa halimaw na sumasakmal sa ilang totoong silahis.

Mahal, ako lámang ang nakababatid

Sa kalatas ng pagwawakas ng liwanag;

Ako lámang ang nag-iisang tanod

Ng simoy na tigib sa pighati ang hilaga’t timog;

Ang ulilang tanod sa sanlibo’t isang bulalakaw

Na naghihingalo’t walâng buntot, kumakatok

Sa kalawakan ng iyong saradong dibdib.

Oo, ako lámang ang tatanggap sa hiwaga

Ng mga nanlamig ngayong sapot ng hinalà’t pangamba,

At sandakot na talinghaga ng umagang

Maulap at malapot sa magdamag na buntonghininga.

Ako lámang.

 

Almario is better known by his pen name Rio Alma. He was proclaimed National Artist for Literature in 2003. It recognized his life works as author, poet, critic, translator, editor, teacher and cultural manager. He served as chairman of Komisyon sa Wikang Filipino, then elected chairman of the National Commission for Culture and the Arts in 2017.

Almario’s earliest literary criticisms are collected in Ang Makata sa Panahon ng Makina (1972), the first book of literary criticism in Filipino.

A toast to a prosperous 2026.

*      *      *

Catch Sapol radio show, Saturdays, 8 to 10 a.m., dwIZ (882-AM).

Follow me on Facebook: https://tinyurl.com/Jarius-Bondoc

Show comments