SSS, palalawakin digital services sa eGovPH app

Ito ay kasunod ng paglagda sa data-sharing agreement nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Robert Joseph M. de Claro at SSS President and CEO Victor Alfonso A. Limlingan.

MANILA, Philippines — Pinalalawak ng Social Security System (SSS) ang access ng mga mi­yembro sa mga serbisyo nito sa pamamagitan ng pagsasama ng digital MySSS Card at piling serbisyo sa eGovPH super app.

Ito ay kasunod ng paglagda sa data-sharing agreement nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Robert Joseph M. de Claro at SSS President and CEO Victor Alfonso A. Limlingan.

Layunin ng kasunduan na gawing mas madali at mabilis ang pag-access sa mga serbisyo ng SSS, lalo na para sa mga digital worker, freelancer at online professional.

Sa sandaling maipatupad ang integrasyon, maaaring makita sa eGov­PH super app ang digital na larawan ng harapang bahagi ng MySSS Card, kasaysayan at kabuuang bilang ng kontribusyon, kasaluku­yang membership status at impormas­yon tungkol sa huling employer.

Show comments