Malabon LGU, handa na sa tag-ulan

Ayon kay Sandoval, nakaalerto ang mga emergency response team at patuloy na naghahanda upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa posibleng epekto ng masamang panahon.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na handa ang pamahalaang lungsod na tumugon sa anumang emergency at kapakanan ng mga residente sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Sandoval, nakaalerto ang mga emergency response team at patuloy na naghahanda upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa posibleng epekto ng masamang panahon.

Sinabi  pa ni Sando­val na pinaigting na ng  Malabon Disaster Risk Reduction and Manage­ment Office (MDRRMO) ang pagbabantay sa lagay ng panahon, flood forecasts at iba pang hazard advisories habang nakaantabay rin ang Malabon Command and Communication Center sa panahon ng kalamidad.

Isinailalim naman sa inspeksiyon at maintenance ng City Engineering Department, ang mga flood control facility, kabilang ang mga pumping station, drainage system, at floodgates.

Nanawagan si City Administrator Dr. Alexan­der Rosete sa mga residente na manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso, maghanda ng emergency go-bags at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan nang lahat sa panahon ng sakuna.

Show comments