Manibela, may libreng sakay sa Pasko, Bagong Taon

MANILA, Philippines — Magbibigay ng ­libreng sakay bukas, Disyembre 25 at sa Bagong Taon, Enero 1 ang transport group na Manibela sa kasagsagan ng morning at afternoon rush o mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Sa official Facebook page ng Manibela, nasa lima hanggang sampung minuto ang pagitan ng bawat available na unit ng jeep depende sa ruta at trapik.

Ayon sa grupo, layunin ng libreng sakay na ipakita ang kanilang pasasalamat sa mga commuters na nagpakita ng suporta sa kanilang naging laban kontra sa Jeepney phaseout.

Upang malaman naman ang unit na kabilang sa maghahatid ng libreng sakay ay magpapaskil umano ang grupo sa signboard section ng “LIBRENG SAKAY.”.

Show comments