P13.6 milyong shabu nakumpiska ng PNP, PDEA

Batay sa report bandang alas-3:20 ng hapon ng hapon nitong Biyernes nang isagawa ang  buy-bust operation sa District 2, Barangay Pulpogan na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug suspect na si Alias James, 46.
Philstar.com/John Unson, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa  isang high-value target drug personality sa Consolacion, Cebu.

Batay sa report bandang alas-3:20 ng hapon ng hapon nitong Biyernes nang isagawa ang  buy-bust operation sa District 2, Barangay Pulpogan na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug suspect na si Alias James, 46.

Nakumpiska mula sa kanya ang illegal drugs, buy-bust money at isang kg-9 9mm rifle na may mga bala.

Hawak na ng PDEA 7 Regional Laboratory ang mga nasamsam na ilegal na droga para sa kaukulang disposisyon.

Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang nakatakdang isampa laban sa nahuling drug suspect.

Show comments