Lolo lasog sa hit and run

MANILA, Philippines - Lasog  ang isang 61-anyos na lolo matapos itong ma-hit and run ng isang trailer truck habang papatawid ito, kahapon sa Navotas City.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Domilno Biadnes, ng R-10,  Brgy. North Bay Boulevard South ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Navotas City Traffic Bureau, naganap ang  insidente  alas-2:41 ng madaling-araw sa R-10 ng naturang barangay habang tumatawid ang biktima sa nasabing lugar na hindi nito namalayan ang papara­ting na humaharurot na trailer truck na hindi nakuha ang plaka nito.

Nag-menor ang truck, su­balit  nang mapansin na walang tao sa nasabing lugar ay agad na humarurot ito para tumakas.

Show comments