High school student, patay sa resbak

MANILA, Philippines – Patay ang 15-anyos na high school student nang barilin sa ulo nang kalabang gang, habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan  sa  Parola, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on- -arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si Shown Michael Basas, estudyante  ng Raja Soliman Science High School  at residente ng  Gate 7, Area A, Tondo,  Maynila.

Sa ulat ni  SPO2 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide Section,  dakong alas-4:10 ng madaling  araw ng maganap ang insidente sa Gate 5, Area A , ng Parola Compound.

Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima at mga kaibigang sina Melvin Francisco at Raffy Lubaton sa tapat ng nakaparadang motorsiklo nang biglang sumulpot ang armadong suspect na sakay umano ng motorsiklo at biglang pinaputukan ang grupo ng biktima.

Minalas na tamaan sa ulo ang biktima at bumulagta, kaya humarurot na papatakas ang suspect sa direksiyon ng Manila International Container Terminal (MICT).

Posibleng may kinalaman umano sa gang war ang insidente at rumesbak ang kalabang grupo sa grupo ng biktima, ayon kay Lingcong.

Show comments