MANILA, Philippines - Isang German at isang Malaysian national ang kapÂwa natagpuang patay sa inuupahan nilang mga hotel sa Maynila at sa Pasay City, kamakalawa ng gabi .
Unang natagpuang patay ang 43-anyos na German national na si Frank Friedhelm Weber, missionary at panÂsamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Dinson Bldg., Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Jonathan Bautista, dakong alas-12:10 ng hapon nang madiskubre ang biktima sa loob ng Room 647 ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila na patay na.
Sa rekord ng hotel, Enero 14, 2013 ay nag-check-in at huling nakitang buhay ang biktima nang bumaba ng hotel noong Enero 21 at lumabas upang may bilhin lamang at bumalik din kaagad.
Simula nang umakyat sa kanyang silid ay hindi na umano nakita pang lumabas ng kanyang silid ang banyaga kaya nagpasiya ang hotel manager na si Paolo Burton, 35, na tawagan ito sa silid at nang walang sumasagot ay pinuntahan at sapilitang binuksan ang kuwarto, kung saan tumambad ang walang buhay na si Weber. Nakita rin sa loob ng silid ang iba’t ibang basyo ng bote ng alak.
Samantala, natapuan ding patay ang Malaysian national sa inuupahang silid sa isang hotel sa Pasay City ng kaÂibigan nitong isa ring daÂyuhan matapos ang magdamag na pakikipag-inuman, kamaÂkalawa ng gabi.
Isinugod pa sa Makati Medical Center ng mga kawani ng Marriot Hotel sa Newport City ang biktimang si Khoo Teck Bee, 35, empleyado ng GWI Business Solution at pansamantalang nanunuluyan sa Manhattan Condominium sa Dela Costa St., Makati subalit idineklara ito na wala nang buhay.
Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, magdamag na nakiÂpag-inuman ang biktima sa mga kaibigang SingaÂporean national na sina Ho Gim Koon, Gary, 35; at Yew Hin Phang, 39, sa Route 66 Disco sa Makati City noong Miyerkules ng gabi na inabot ng hanggang alas-4 ng madaling-araw na ng Huwebes.
Dahil sa kalasingan, sa tinuÂtuluyang hotel na ni Yew Hin Phang sa Unit 748 Marriot Hotel na lamang nila pinatulog ang langung-lango na biktima.