Electrician dinedo ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Isang 18- anyos na lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kapitbahay matapos ang mainitang pagtatalo sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ng Gat Andres Bonifacio Hospital ang buhay ng biktimang si Bon Irec Purificacion ng Sitio Damayan, Brgy 105, Balut, Tondo Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahahanap naman ng pulisya ang suspect na nakilalang si Ruzzel Francisco, 23, kapitbahay ng biktima.

Sa report ni Det. Mario Asilo ng MPD-homicide sec­tion, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio Damayan, Brgy 105, Balut, Tondo, Manila.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pagsusuntukan.

Nakakuha ng  pagkakataon ang suspect na bumunot ng patalim at agad na inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspect habang inaalam naman ng pulisya ang motibo ng pagpatay.

Show comments