Binatilyo itinumba sa Malabon

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo ang binaril sa ulo at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Ma­labon City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen si Warren Agao, residente ng Santo Niño, Brgy. Baclaran, Pasay City.

Ayon sa ulat ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa Mesina St., Brgy. Ti­najeros ng nabanggit na siyudad habang nag­lalakad ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabi itong binaril sa ulo.

Matapos ang insi­dente ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ayon sa mga kapa­tid ng biktima na sina Jhazmine at Princess na sangkot umano sa mga iligal na gawain ang kanilang kapatid at posibleng ito ang na­ging dahilan ng kanyang kamatayan.

Show comments