Kargador pinagtripan, tigok

MANILA, Philippines - Hinihinalang nakursunadahan ng isang grupo ng kalalakihan ang isang 21-anyos na kargador  na natagpuang wa­lang buhay, sa Baseco compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang bikti­mang si Richard H. Mer­­cadiaz, 21, binata, residente  ng Block 15, Baseco Com­pound, Port Area, Maynila, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, da­­kong alas-11:20 ng gabi nang magpa­siyang umu­wi na mula sa pakikipag-inu­man sa mga kaibigan ang biktima nang makasalubong umano ng gru­po ng di pa kilalang ka­la­lakihan at pagsasaksakin ito, sa bahagi ng Block 15-A Baseco compound.

Isinugod pa ng mga residente sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit   id­i­neklara ng surgeon on duty na si Dr. Santy Cruz si Mercadiaz na dead on arrival.

Show comments