Umawat sa away, binoga, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 29-anyos na vendor na miyembro ng Batang­ City Jail (BCJ) nang pagbabarilin habang umaawat sa away ng mga kainuman sa Port Area, Maynila, kama­kalawa ng hapon. Dead-on-the-spot ang biktimang si Ariel Muda, ng Brgy. 649 Zone 68, Block 1 Aplaya, Baseco compound, Port Area, Maynila­.

Tatlong suspect na nakilalang sina Esteven Ricarte, 20, alyas­ “Ipe”; Gilbert Roja, 21 at alyas “Totoy Burdado”, pawang miyembro ng Batang City Jail at pawang residente ng Aplaya, Baseco compound, Port Area, Maynila ang nagsitakas matapos ang insidente. Dakong alas-2:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa kanilang lugar.

Nabatid na habang nasa kalagitnaan ng inuman ay nagtalo si Roja at alyas Totoy na nauwi sa suntukan. Umawat ang biktima­, si Ricarte at isa pang kainuman na si Diony Dalim­papas, 29, na pinauwi naman kaagad ng misis ang huli.

Nang maiwan na si Ricarte at biktima na umaawat sa gulo, hindi na umano maipaliwanag ng mga saksi kung bakit ang umaawat din na si Ricarte ang bumaril sa biktima. Nang bumulagta ang biktima ay nagsitakas na ang tatlo.

Show comments