Trader nagbigti

MANILA, Philippines- Labis na kalungkutan ang isa sa dahilang sinisiyasat ng pulisya kung bakit nagbigti ang isang 52-anyos na negosyante kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Manolito Que, 52, ng 8th Avenue West ng nabanggit na lungsod. 

Base sa inisyal na report ng Caloocan City Police, alas-2:30 ng hapon nang makitang nakabigti ng nylon cord si Que sa loob ng ka­nilang bahay ni Ryan Lopez, 23, nobyo ng anak nitong dalaga.

Iniimbestigahan pa rin kung may naganap na foul play sa insidente.

Show comments