Lola lasog sa hit and run

MANILA, Philippines - Patay ang isang matandang babae makaraang mabiktima ng hit-and-run sa tinaguriang ‘killer highway’ sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuha sa kanyang identification card na si Josefina Perez, 50, residente ng Old Balara sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonweath Avenue malapit sa MMDA outpost sa may Tandang Sora, Old Balara, ganap na alas -3 ng madaling- araw.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa lugar nang biglang mabundol ito ng isang rumaragasang sasakyan.

Sa pagkakabundol ay nakaladkad pa umano ang biktima, kung saan sa halip na huminto ay humarurot pa ang nakasagasa papalayo at tinakasan ang krimen.

Nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center ng ilang concerned ciizen ang biktima pero idineklara din itong patay.

Show comments