MANILA, Philippines - Sinisilip ngayon ng pamunuan ng Muntinlupa City Police ang anggulong ‘inside job’ sa panghoholdap na naganap sa isang armored van sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City na dito nasawi ang isang hinihinalang holdaper at ikinasugat naman ng pito katao kamakalawa ng umaga. Kasabay nito isang task force ang binuo ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) upang mag-imbestiga at tumugis sa grupo ng mga suspect.
Ayon sa pulisya, posibleng ‘Osamis group’ ang sumalakay sa Alabang Town Center, Madrigal Avenue, Brgy. Alabang ng nabanggit na lungsod. Magugunitang napatay ang isa sa mga suspect na kinilalang si Pepito Paler matapos makipabarilan sa mga guwardya. Subalit sugatan naman ang dalawa sa panig ng mga guwardya na sina Lope Bacobo at Alexander Tablada, gayundin sugatan din ang lima pang katao kabilang ang tatlong kostumer at empleyado ng Sterling Bank matapos sumabog ang granadang inihagis ng mga suspek.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga empleyado ng naturang pawnshop.