Kelot itinumba sa harap ng asawa

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa harapan mismo ng kanyang asawa sa Quezon iniulat kahapon. Ang biktima ay si Mario Ridao, 52, ng Brgy. Pasong Tamo sa lungsod. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Luzon Avenue sa lungsod, ganap na alas- 11 ng gabi. Ayon sa asawa ng biktima na si Leonora, pauwi na umano sila mula sa pagtitinda nang bigla umanong la­pitan ang kaniyang asawa ng suspect saka inakba­yan bago pinaputukan ng baril sa ulo. Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang suspect. Hindi pa batid ng pu­lisya kung ano ang mo­tibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.

Show comments