2 holdaper arestado

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan matapos masakote sa kasong panghoholdap sa isang estud­yante sa San Lazaro, Tala, Caloocan City kamaka­lawa ng gabi. Pormal na kina­suhan ang mga suspek na sina Jeffrey­ Tabangcura, 22; at Michael Fojas, 20, kapwa nakatira sa San Roque, Tala sa nabanggit na lungsod. Base sa police report, hinoldap ng mga suspek ang biktimang si Melvin Laurio­ habang papauwi sa Rosal St. Tina­ngay ng dalawa ang bag na naglalaman ng cellphone bago tumakas kung saan hindi naman nagtagal ay nasakote ang dalawa subalit ang bag na lang ang narekober at wala na ang cellphone.

Show comments