Tomboy itinumba

MANILA, Philippines - Utas ang isang tomboy nang barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Girlie Gero­nimo, 29, ng Sociego St., Brgy. Tenejeros ng nabanggit na lungsod. Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspek at inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Dakong alas-12:10 ng madaling-araw ng maganap ang insi­dente sa Sociego St., ng nabanggit na siyudad habang naglalakad ang biktima nang sumulpot ang suspek at bigla na lamang itong binaril na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek.Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pagpaslang habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Show comments