3 biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak sa katawan ang tatlong bangkay ng lalaki nang ma­tagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang unang natagpuan ay ang bangkay ng isang Mark Anthony Binosa ng Brgy. Panghulo, Malabon City na ibinalot pa sa kumot bago itinapon ang bangkay dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa ilalim ng foot bridge sa kahabaan ng   EDSA Avenue, ng nabanggit na  lungsod.

Mga saksak sa dibdib ang tinamo ng biktima, naka­gapos ang mga kamay at paa bago nga ibinalot sa kumot.   

Nabatid na bagong laya sa kulungan ang biktima kung saan ilang araw nang hindi umuuwi.

Samantala ang dalawang bangkay naman ng hindi pa nakikilalang lalaki ay itinapon sa Amparo Subdivision, Caloocan City at natagpuan dakong alas-2:00  ng madaling-araw.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang mga biktima na may mga saksak sa dibdib at nakabalot ang mga mukha ng packaging tape.

Show comments