Bangkay sa dram, natagpuan

MANILA, Philippines - Isinilid sa loob ng isang dram ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution makaraang matagpuan ito sa gilid ng isang creek sa Baclaran, Parañaque City kahapon ng umaga.

Patuloy namang pinopro­seso ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng naturang lalaki sa pag-asang makikilala ito.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District, dakong ala-1 pa ng madaling araw kahapon nang ma­tagpuan ng mga residente sa panulukan ng Santiago Extensin at Riverside Sts. sa Baclaran ang naturang dram ngunit alas-10 na ng umaga nang matuklasan na bangkay ng tao ang laman nito nang umagos ang dugo.

Nabatid naman na una ang ulo na ipinasok sa loob ng dram ang bangkay at ibinaluktot upang magkasya. Wala namang nakakakilala sa naturang lugar sa biktima kaya hinihinalang taga-ibang lugar ito at itinapon lamang sa Baclaran upang iligaw ang mga imbestigador.  

Show comments