NBI pasok sa bagong insidente ng hazing

MANILA, Philippines - Magsisiyasat na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng San Beda student na pinaniniwala­ang biktima ng hazing.

Ayon kay Justice Acting Sec­retary Francisco Baraan, inatasan na niya si NBI Director Nonnatus Rojas para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Kaugnay nito, mahigpit umanong makikipag-ugna­yan ang NBI sa pulisya at sa pamilya ng biktimang si Marc Andrei Marcos, gayundin sa pamunuan ng San Beda.

Layon umano ng imbestigasyon na matukoy ang mga responsable sa pagkamatay ni Marcos na hinihinalang suma­ilalim sa initiation rites ng isang fraternity sa Dasmariñas, Cavite. Sinabi ni Baraan na bi­nigyan niya ng hanggang bukas ang NBI para magsumite ng initial findings.

Tiniyak naman ni Baraan na magiging patas ang NBI sa imbestigasyon kahit pa si Secretary Leila de Lima at NBI Director Rojas ay kapwa nag­tapos ng abogasya sa San Beda.

Show comments