Seaman, tigok sa atake sa puso

MANILA, Philippines - Hinihinalang inatake sa puso kaya hindi na nagising pa ang isang 34-anyos na seaman sa loob ng kanyang tinutuluyang dormitoryo, kahapon ng umaga, sa  Intramuros, Maynila.

Kinilala ni SPO4 Virgo Villareal,  ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Cirilo Buton, ng San Pedro Alegria, Surigao del Norte at nanunuluyan sa Trakos Dormitory, sa Beaterio St., Intramuros,Maynila.

Ayon umano sa roommate na si Roy Mesa, isa din aplikanteng seaman, na huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi, bago ito matulog sa kanyang silid.

Bandang alas-4:30 ng umaga napuna ni Mesa na hindi na gumagalaw at humihinga ang biktima kaya ipinaalam sa guwardiya ng dormitoryo, na siyang nagpabatid sa pulisya ng insidente.

Hinala  ni Villareal na inatake sa puso ang biktima na wala naman nakitang anumang sugat sa katawan para isiping pinaslang ito.

Nasa Maynila uma­no ang biktima dahil ipino-proseso nito ang mga papeles para sa  muling pagsakay sa barko.

Show comments