P2.33-M reward sa 22 most wanted

MANILA, Philippines - Umaabot sa P2.33 milyong reward ang ipinamahagi ng PNP kahapon sa masusuwerteng tipster na nagsilbing susi sa pagkakaaresto sa 22 most wanted na mga kriminal sa bansa.

Personal na itinurn-over ni PNP Chief P/Director General Nicanor Bartolome ang pabuya sa 7 tipster sa symbolic ceremony sa Camp Crame na kinatawan ng 18 katao para sa na­sabing halaga ng pabuya.

Ang nasabing halaga ay mula sa pondo ng PNP Reward System sa ilalim ng pangangasiwa ni Directorate for Intelligence Chief P/Director Ager Ontog Jr.

Sinabi ni Ontog na ang pagpapa­labas ng nasabing pabuya ay ina­prubahan ng Board of Officers on Reward (BOR) sa ilalim ng DILG Memo­randum Circulars na nag-aalok ng reward para sa mabilisang ika­darakip ng mga wanted sa batas.

Sa tala ng PNP, umaabot sa 14,109 wanted na kriminal ang nasakote sa loob ng unang limang buwan sa taon ng 2012.

Kabilang dito ay ang 74 na nasa talaan ng Top Most Wanted Person (TMWP) sa PNP’s Order of Battle.

Show comments