Dahil sa curfew, driver dedo sa sekyu

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver ng truck nang barilin ng naka­alitang security guard dahil sa ipinatutupad na curfew sa loob ng Harbor Link Transport compound sa North Harbor, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si  Darry Orbiso, 30, driver stay-in  sa Harbor-Link Compound, Slip-O, Pier 2, North Harbor, Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspect na kinilalang  si Ramon Laganzon, nasa 50 hanggang 55-anyos, stay-in security  guard sa nasabing kompanya.

Naganap ang insidente, dakong alas-8:45 ng gabi  nang maganap ang insidente sa Harbor Link  Compound Slip-O, Pier 2, North Harbor.

Nabatid na lumabas  ang biktima ng compound subalit dahil sa ipinatutupad na curfew ay pinagsabihan ito ng suspect. Ikinairita ito ng biktima at nauwi sa pagtatalo ang usapan hanggang sa mapikon ang sekyu at ipinutok ang hawak na shotgun sa katawan ng biktima.

Dead-on-the-spot ang biktima habang tumakas naman­ ang suspect.   

Show comments